Skip to Content

 Articles

Isang Mapagpalang Pagdiriwang ng mga Sakramento 

Buong galak at pasasalamat naming ibinabahagi ang matagumpay na pagdiriwang ng mga Sakramento sa Parokya ng Sto. Rosario: Abril 10 – Kumpisal Abril 11 – Unang Banal na Komunyon. 

Read more : https://www.facebook.com/share/r/1Gxvtc1tYq/

First Thursday Devotion

Matagumpay na naisagawa ang ating First Thursday Devotion ngayong ika-9 ng Abril 2026 sa ganap na ika-6 ng umaga na Banal na Misa, inialay sa Mahal na Birhen ng Santo Rosario. Kasabay nito ang pagpapahid ng langis bilang panalangin para sa kagalingan at kalakasan ng bawat isa. 

Read more: https://www.facebook.com/share/p/1BW3tGiYio/

Linggo ng Muling Pagkabuhay 2026

Ang aming lubos na pasasalamat sa lahat ng sumuporta at nakiisa sa pagdiriwang ngayong Linggo ng Muling Pagkabuhay! Ating balikan ang makabuluhang pagdiriwang na ito sa Parokya ng Santo Rosario sa pamamagitan ng mga larawang sa post na ito. 

Read More : https://www.facebook.com/share/p/18QbuMPtGV/

https://www.facebook.com/share/v/18CdhjuuCu/

PPC Officer 2026

Buong pusong ipinapakilala ng Parokya ng Santo Rosario ang bagong hanay ng Parish Pastoral Council (PPC) Officers at mga Commission Heads. Nawa’y patuloy kayong gabayan ng Diyos sa inyong pamumuno at paglilingkod sa Kanyang Simbahan.

Read more: https://www.facebook.com/share/p/1AajiM6rWj/

Update sa Konstruksyon ng Parish Patio

Buong pusong pasasalamat po sa lahat ng nagbigay ng kanilang oras, lakas, at donasyon para sa konstruksyon ng ating Parish Patio ng Parokya ng Sto. Rosario. Dahil sa inyong kabutihang-loob, unti-unti na po nating nakikita ang bunga ng ating sama-samang pagtutulungan.

Read more : https://www.facebook.com/share/p/1AporSxfUQ/

Panawagan para sa Suporta: Konstruksyon ng Parish Patio

Kami po ay buong kababaang-loob na humihingi ng inyong tulong para sa patuloy na konstruksyon ng parish patio ng Parokya ng Sto. Rosario. Layunin po ng proyektong ito na magkaroon ng mas maayos at ligtas na lugar para sa pagtitipon at mga gawain ng ating pamayanan.

Read more: https://www.facebook.com/share/p/1AzJLucJdc/

Sabado de Gloria 2026

Isang masaya at makabuluhang Sabado de Gloria ang ating pinagdiwang sa Parokya ng Santo Rosario! Mula sa taimtim na pagninilay hanggang sa pagdiriwang ng liwanag at pag-asa, tunay na dama ang pagkakaisa ng ating pamayanan sa paghihintay sa muling pagkabuhay ni Kristo.

Read more : https://www.facebook.com/share/v/1GtiqtL1aK/


Biyernes Santo 2026

Buong pusong pasasalamat ang aming hatid sa inyong lahat. Inaanyayahan namin kayo na muling balikan ang mga makabuluhan at banal na kaganapan ng katatapos lamang na Good Friday Activities ng Parokya ng Santo Rosario sa pamamagitan ng aming mga larawan at bidyo.

Read more : https://www.facebook.com/share/v/1FACdWXAZk/

Huwebes Santo 2026

Inaanyayahan po namin ang lahat na panoorin at balikan ang mga larawan at bidyo ng katatapos lamang na mga gawain ngayon Huwebes Santo sa Parokya ng Santo Rosario.

Read more: https://www.facebook.com/share/r/1AU66h9184/


Chrism Mass 2026

Lubos na nagpapasalamat at nagagalak ang aming mga puso sa napakagandang kaganapan ng Renewal of Priestly Promises sa Chrism Mass na ginanap sa San Roque Cathedral, kung saan nakiisa ang ating minamahal na Parish Priest na si Rev. Fr. Ronaldo Pedroso at si Rev. Fr. Ariel Oguan.

Read more : https://www.facebook.com/share/p/1bNiKR9nFp/

Agape Mass at Prusisyon 2026

Buong pusong pasasalamat sa lahat ng nakiisa sa matagumpay na Agape Mass at Prusisyon na ginanap ngayong ika-1 ng Abril 2026 bilang bahagi ng ating mga gawain ngayong Kuwaresma sa Parokya ng Santo Rosario.

Read more : https://www.facebook.com/share/v/1B9qQPokMy/

Linggo ng Palaspas 2026

Inaanyayahan po namin kayong tingnan ang mga larawan at bidyo mula sa katatapos lamang na 6:00 AM na Misa ng Linggo ng Palaspas, na pinangunahan ng ating minamahal na Kura Paroko, Rev. Fr. Ronaldo Pedroso. Sama-sama nating balikan ang makabuluhang pagdiriwang ng matagumpay na pagpasok ng Panginoon sa Jerusalem. 

Read more : https://www.facebook.com/share/r/1N9rg6ZDoc/

Viernes de Dolores 2026

Taos-puso po kaming nagpapasalamat sa lahat ng mga parokyano, mga samahan at organisasyon, mga ministry, na buong pusong nakiisa at tumulong upang maging matagumpay ang ating Prusisyon at Banal na Misa para sa Viernes de Dolores.

Read more : https://www.facebook.com/share/r/1H29qaVtup/

Mga Gawain sa Kuwaresma 2026

Inaanyayahan namin kayong tingnan ang mga larawan ng ating mga gawain ngayong araw. Nawa’y magsilbi itong paalala ng ating sama-samang debosyon at magbigay-inspirasyon upang lalo pa tayong mapalapit sa Panginoon.

Read more: https://www.facebook.com/share/p/1B5cs83vSP/

Acies sa Sto. Rosario Parish

Noong ika-22 ng Marso, matagumpay na isinagawa ang Legion of Mary - Acies sa Sto. Rosario Parish—isang makabuluhang gawain ng pagpapanibago ng paghahandog ng katapatan at paghahandog ng sarili sa Mahal na Birheng Maria.

Read more: https://www.facebook.com/share/p/18AHWa9CE9/